literature

Ang Malayang Tulog

Deviation Actions

Beatlesnicole's avatar
Published:
253 Views

Literature Text

Kahit anong sarap man
ang naidulot ng iyong panaginip,
kung sa bawat pagising
ito’y maglalayag na parang agila.
Agilang lumipad na.

Hindi mo kailangang
pagpilitan, pagsiksik ang ‘yong sarili
sa malambot mong kama
upang lumipad kasama ang agila.
Agilang lumipad na.

Bakit hindi mo buksan
ang iyong mga matang ayaw mong buksan?
Wala namang ibang
nilalang na tutulong sa iyo kundi
ang sarili mo mismo.

Di lagi nakikita
ang gintong kamay na hihila sa iyo.
Tititigan ka lamang
ng mga matang may pakelam kunwari
o may pakelam noon.

Matutong mapag-isa,
nang makalipad ng walang mga pakpak
o kama na mahimbing.
Matuto kang matulog
nang may dalawang mata dilat ng husto.
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In